Home Features Snow Badua kay Pacquiao: Wala ka nang dapat pang patunayan sa boxing

Snow Badua kay Pacquiao: Wala ka nang dapat pang patunayan sa boxing

401
0

Kung si sports journalist Snow Badua ang tatanungin, ito na ang tamang panahon para magretiro si Manny Pacquiao sa sport na nagbigay sa kanya ng kaginhawaan.

Sa tweet ni Snow, sinabi nito na wala nang dapat pang patunayan si Manny sa kanyang boxing career.

“Time to hang up your gloves, Manny. Wala ka nang dapat pang patunayan sa boxing,” wika ng Spin.ph writer.

Sa lampas dalawang dekadang karera ni PacMan, siya lang ang natatanging eight division world champion.

Pinarangalan din siya bilang 2000s ‘Fighter of the Decade’ at ilang beses ding nakasungkit ng Fighter of the Year award.

Ilan sa mga matitinding giniba ni Pacquiao ay sina Antonio Margarito, Erik Morales, Juan Manuel Marquez, Miguel Cotto, Oscar dela Hoya, Shane Mosley at Ricky Hatton.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

2 × 5 =