Home Features Steve Dailisan emosyonal, natanggal sa CebuPac

Steve Dailisan emosyonal, natanggal sa CebuPac

493
0

Malungkot na ibinahagi ni Steve Dailisan na kasama siya sa mga natanggal na piloto ng Cebu Pacific.

Sa kanyang vlog nitong Biyernes, emosyonal na ibinahagi ni Steve na tatapusin na ang kanyang serbisyo para sa nasabing airline sa Agosto.

“Today I found out na I only have until August 17 sa present company ko, and isa ako dun sa mga na-retrench,” say ng dating Kapuso journalist.

“Malungkot kasi it has been my dream, a short lived dream but no regrets,” aniya pa.

Hindi pa inabot ng isang taon si Steve sa nasabing kompanya matapos siyang maging ganap na piloto noong Oktubre para sa CebuPac.

“For now I’m jobless. For sure hindi lang naman ako ang nakakaranas nito, marami kaming mga Pilipino na nawalan ng trabaho,” lahad ni Steve.

Sa ngayon ay busy si Dailisan sa pagpapasa ng resume online, at nais magbigay-inspirasyon sa mga kapareho niyang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

5 × three =