Binasag na ng GMA News ang katahimikan hinggil sa pagtanggal kay Joseph Morong sa Malacañang beat.
Sa pahayag ng Kapuso network, pinaliwanag na ang pag-reassign kay Morong sa ibang beat ay hindi dahil sa lumabas na fact check report sa Saksi.
Ayon sa GMA News, ang naereng fact check report tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte ay sinulat ng mga producer ng Saksi at boses lamang ni Morong ang ginamit para dito.
Tinanggal umano nila ito sa kanilang online platform dahil sa ilang ‘deficiency’ sa report, ngunit hindi na dinetalye kung ano bang naging pagkakamali sa fact check.
“It was removed from our online platforms, consistent with our policy, after we noted deficiencies in the report which did not conform to our standards of fairness and balance,” saad ng GMA News.
Normal din, ayon sa GMA News, ang paglilipat ng assignment sa kanilang mga reporter.
GMA News statement amid the continuing speculation on Twitter about Joseph Morong pic.twitter.com/SIla7UXuLE
— GMA News (@gmanews) June 27, 2021