Home Features Tina Panganiban-Perez ‘nahukay’ dating GMA ID

Tina Panganiban-Perez ‘nahukay’ dating GMA ID

18
0

Napa-throwback si GMA reporter Tina Panganiban-Perez sa isa niyang Instagram post nitong Sabado.

Sa kanyang ibinahaging litrato ay kita ang luma niyang identification card (ID) noong nagsisimula pa lamang siya sa Kapuso network.

Ayon sa kanya, nahalungkat lamang niya sa baul ang ID, na buo pa rin ang lanyard.

Taong 1999 pa ito at maiksi pa ang kanyang buhok.

“Nakita ko sa baul. Lumang GMA lanyard. At short hair pa ako,” saad sa caption niya, kung saan ginamit niya ang mga hashtag na #Kapuso, #media, #reporter, #ReporterLife at #BuhayReporter.

Sumagot naman sa kanyang post ang katrabahong si Oscar Oida.

“Hahaha nice, meron din ako niyan,” saad nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

2 × two =