Matapang na hinarap ng anak ni dzBB anchor Joel Reyes Zobel ang swabbing para sa COVID-19 test.
Habang kandong ng kanyang ama, sumailalim sa pagkuha ng swab si Pia para masigurong ligtas sa coronavirus.
Binahagi ni Joel ang proseso sa kanyang Instagram post, kung saan marami ang bumilib sa tapang ng kanyang anak.