Home Features Tulong kay Doris Bigornia bumuhos

Tulong kay Doris Bigornia bumuhos

424
0

Patuloy ang paglaban ng ‘Mutya ng Masa’ matapos atakehin sa puso noong Pebrero.

Nilahad ng kanyang anak na si Nikki na tagumpay ang open heart surgery kay Doris Bigornia, ngunit nananatili pa rin sa ospital ang ABS-CBN reporter.

Regular ang dialysis ni Doris, at kailangan din muling operahan para sa pacemaker para makontrol ang tibok ng puso nito.

Dahil dito, gumawa ng GoGetFunding page si Nikki para makatulong sa gagastusin pa nila sa ospital.

“We are knocking on everyone’s kind and generous hearts to help us in raising funds for mommy’s hospitalization,” ayon kay Nikki. “As a single mom, juggling her career and family, we are thankful that mommy has been able to provide for the family on her own.”

Kita naman ang pagmamahal ng masa kay Bigornia dahil umabot na sa higit P10o,000 ang donasyon para sa pagpapagaling nito.

Para sa mga nais mag-donate, bisitahin lamang ang https://gogetfunding.com/fundingdoris/.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

15 − ten =