Home Features Tunog sinisi si Angel: JC Cosico pinuna ng mga netizen

Tunog sinisi si Angel: JC Cosico pinuna ng mga netizen

382
0

Hindi nagustuhan ng mga netizen ang naging tanong ni News5 reporter JC Cosico sa anak ng nasawing lolo habang nakapila sa community pantry na inorganisa ni Angel Locsin.

Ayon sa mga netizen, nagtunog na sinisisi umano ni Cosico ang aktres sa pagpanaw ni Rolando dela Cruz.

“Kay Miss Angel Locsin, wala ba siyang kasalanan dito? Anong mensahe niyo po sa kanya?” tanong ng reporter kay Jennifer Rosano, anak ni Rolando.

Pinagtanggol naman ni Jennifer ang aktres at sinabing walang ginawang masama si Angel at nagpasalamat pa sa aktres dahil sa naging tulong nito sa kanila at mga nangangailangan.

Kaagad namang humingi ng paumanhin si Cosico at nilinaw na hindi niya intensyon na sisihin si Angel sa kanyang naging tanong.

“Hi, guys! I read your comments and after much thought, I sincerely apologize for having asked my question that way,” saad ni Cosico.

“I had no intention of blaming Ms. Angel Locsin and I understand that I could’ve phrased my question better,” aniya pa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

4 + twelve =