Home Features TV5 cameraman binugbog sa pinasarang resort sa Caloocan

TV5 cameraman binugbog sa pinasarang resort sa Caloocan

378
0

Sugatan ang mukha ng isang cameraman matapos umano itong saktan habang nagko-cover sa Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan.

Ayon sa report ng DZRH, binugbog umano si Arnel Tugade dahil nagalit umano ang mga customer ng naturang resort sa cameraman ng TV5.

Sinisi umano ng mga customer ang media sa pagko-cover sa resort na pinasara dahil nanatiling bukas sa kabila ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Kuwento ni Tugade, magkakapatid na construction worker umano ang nanakit sa kanya, na aniya’y nakainom pa.

Nitong Linggo ay ipinasara ang naturang resort at nag-utos na si Caloocan Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan na kanselahin ang business permit ng Gubat sa Ciudad.

Nag-utos din si Malapitan ng contact tracing at RT-PCR testing sa lahat ng indibiduwal na nagtungo sa resort.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

19 + 9 =