Home Features Veteran photojournalist noong Martial Law kritikal, tulong kailangan

Veteran photojournalist noong Martial Law kritikal, tulong kailangan

362
0

Kailangan ngayon ng tulong-pinansyal ni Recto Mercene, ang photojournalist na nasa likod ng ilan sa mga larawan ng pagbaril noon kay yumaong dating senador Benigno Aquino Jr.

Ayon sa post ni Jam Regis Kotenko, kaibigan ng anak ni Recto na si Danica, nahulog ang beteranong photojournalist na ngayo’y 77-anyos na.

“Earlier last week, Recto suffered a fall and was promptly brought to the emergency room at Asian Hospital in Alabang. He is now currently admitted and is undergoing tests to determine the extent of his injuries,” saad sa post ni Kotenko.

“They are conducting numerous tests on his heart, brain, and blood in order to figure out a diagnosis that may be related to his many pre-existing conditions. He is diabetic. He is asthmatic. He’s had brain surgery. He’s had a heart bypass,” dugtong pa nito.

Negatibo naman daw si Recto sa RT-PCR test.

Ang problema lamang ay walang insurance ang photojournalist at nangangailangan ng tulong-pinansyal.

Sa mga nais tumulong, inilagay din ni Kotenko ang mga bank account na maaaring pagdalhan ng tulong.

UnionBank of the Philippines
Account name: Recto II Mercene
Account number: 1094 2245 2039

Bank of the Philippine Islands
Account name: Recto II Mercene
Account number: 1766 0582 16

BDO Unibank
Account name: Danica C Mercene
Account number: 005630033337

GCash
Account name: Recto II Mercene
Account number: 0917 754 7390

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

sixteen − eleven =