Sa musmos na edad, mulat na ang batang si Reymark sa isyu ng Pilipinas at China tungkol sa West Philippine Sea.
Muling nag-viral ang episode ng ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ kung saan tinampok muli ang 10-anyos na nag-aararo sa Sultan Kudarat.
Bumilib ang mga netizen sa naging tugon ng bata dahil gusto nitong maging sundalo para madepensa ang teritoryo ng Pilipinas.
“Maging Army po [para] ang atin pong Philippine Sea hindi maagaw ng China po, dahil nawawalan ng supply ng isda po,” ayon kay Reymark.
Mas marunong pa yung bata! pic.twitter.com/D7kLRTd5WC
— Quo Warrantine (@quantumeruit) May 31, 2021
Bumuhos ang tulong para sa bata, na nabigyan ng bagong kabayo, pera at mga grocery.