Home Features Vlog ni Karen kay Lyca humakot ng lampas 4M views!

Vlog ni Karen kay Lyca humakot ng lampas 4M views!

297
0

Sa tatlong buwang pagiging vlogger ni Karen Davila ay hindi niya siguro inakala na ang vlog kasama ang singer na si Lyca Gairanod ang magbibigay sa kanya ng pinakamaraming view.

Bago kasi si Lyca ay naging guest na ni Karen ang mga mas malalaking pangalan tulad nina John Lloyd Cruz, Raffy Tulfo, Nadine Lustre at Manny Pacquiao.

Ngunit sa lahat ng mga video, si Lyca pa lamang ang nakakapagbigay sa channel ni Karen ng mahigit 4.3 milyon views sa loob lamang ng isang linggo.

Pasalamat na lamang sa sikat na gulat reaction ni Karen sa dulo ng naturang vlog na nag-viral at maaaring naging dahilan kung bakit dinumog ng views ang vlog.

Samantala, ang channel ni Karen ay may mahigit 326,000 subscribers.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

6 + thirteen =