Home Features ‘Wag po tayo maghanap ng away’: Robin Padilla pinuna ABS-CBN sa pagpunta...

‘Wag po tayo maghanap ng away’: Robin Padilla pinuna ABS-CBN sa pagpunta sa WPS

401
0

Pinagsabihan ni Robin Padilla ang ABS-CBN news team na nagtungo sa West Philippine Sea para ma-cover ang nangyayari kasunod ng pagtambay ng mga Chinese vessel sa teritoryo ng Pilipinas.

Sa Instagram post ni Robin, tila sinermunan niya ang media at sinabihang huwag dapat maghanap ng away.

“Papasok kayo ron tapos magtatakbo din pala kayo na parang bata anong klaseng halimbawa ng ating pagka-Pilipino sa mga Tsino,” saad ni Binoe.

“Handa naman kayong samahan ng AFP sa inyong coverage para Maiwasan ang mga ganitong ganap,” sermon pa ng aktor.

Depensa ni Chiara Zambrano, ang ABS-CBN journalist na nagtungo sa West Philippine Sea, nakipag-usap sila sa Armed Forces of the Philippines para sa nasabing coverage.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

7 + eleven =