Home Features Walang balak lumipat ng istasyon: Dr. Love nagpalaaman na sa ere

Walang balak lumipat ng istasyon: Dr. Love nagpalaaman na sa ere

366
0

Matapos ang 21 taon, tuluyan nang nagpaalam sa mga tagapakinig si Fr.Jun Banaag ng ‘Dr. Love’.

Ito’y matapos niyang ianunsyo na sa Agosto 28 ang huling pag-eere ng kanyang radio program, dahil nadamay din ito sa tanggalan ng programa sa TeleRadyo.

“Napakasakit nito sa loob ng 21 taon na tayo’y magkakasama… pero kailangan nating tanggapin ang mga pangyayari,” saad ni Fr. Banaag.

“Alam kong marami po sa inyo ang nalulungkot, at sana huwag niyo kong iwanan sa araw ng Biyernes,” aniya pa.

Aniya pa, wala siyang plano na lumipat ng ibang istasyon, at umaasa pa ring makakabalik ang kanyang programa sa poder ng ABS-CBN.

Programang Dr. Love, mamamaalam na rin sa Biyernes

"After all the awards the show has received, the acclamation the program has gained from the people… Napakasakit po."Emosyonal si Bro. Jun Banaag, O.P. sa nalalapit na pamamaalam sa ere ng programang Dr. Love sa Biyernes, Agosto 28, matapos ang 21 taong pag-ere nito sa DZMM. Inihayag naman ni Bro. Jun na wala siyang planong lumipat ng himpilan at aantayin niya muli ang tawag ng kumpanya sakaling pabalikin sa ere ang programa.

Posted by TV Patrol on Wednesday, August 26, 2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

15 + thirteen =