Maraming netizen ang pumuna kay ‘TV Patrol’ anchor Alvin Elchico nang ma-interview nito si Angel Locsin kasunod ng dinumog na community pantry ng aktres, kung saan isang senior citizen ang nasawi.
Sa nasabing interview, naitanong ni Alvin kung magsasagawa pa ba ng pantry si Angel sa kabila ng nangyari.
Tila hindi nagustuhan ng mga netizen ang nasabing tanong habang emosyonal si Angel.
Sa tweet ni Elchico, binahagi nito ang mensahe sa kanya ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares kung saan pinarating ni Angel na hindi ito na-offend sa tanong ng mamamahayag.
Good morning! Last night I got a viber message from Bayan Muna Chair Neri Colmenares na ipinaparating ni @143redangel na hindi sya naoffend sa tanong ko sa @TVPatrol. Thanks for the message Angel. Salamat din Cong. Neri. pic.twitter.com/297vMQ7ZHn
— alvin elchico (@alvinelchico) April 25, 2021