Kung ang karamihan ay aliw na aliw sa face swapping sa TikTok video ng aktres na si Andrea Brillantes, ikinabahala naman ito ni Jacque Manabat.
Ang Tempo app, ay pinapalit ang mukha ng user sa mukha ng nasa orihinal na video, mapa TikTok video man ito o maikling parte ng isang pelikula.
Gamit ang app, hindi man lang halos mababakas na mukha na pala ng user ang pinalit sa orihinal. Ihuhulma kasi nito ang mukha ng user at isasabay sa buka ng bibig at lahat ng facial expressions.
Kumbaga, magmumukhang ang user ng app ang nasa video.
Kaya bagamat aliw ang marami, nabahala naman si Jacque dahil sa maaaring paggamitan nito.
“The Tiktok face swapping with Andrea Brillantes dancing video is concerning. This deep fake tech could be used as a tool for misinformation; make people believe something is real when it is not,” wika ni Jacque sa isang tweet noong Miyerkoles.
Nababahala si Jacque na maging sa pagpapakalat ng maling impormasyon, lalo sa eleksyon, ay magamit ito.
“Ang cute tignan but let’s face it, this tech could also be used to influence the elections. Even the voice pwede na ring gayahin. Black Mirror episode ang feels,” dagdag pa ng reporter.
The Tiktok face swapping with Andrea Brillantes dancing video is concerning. This deep fake tech could be used as a tool for misinformation; make people believe something is real when it is not. #newsaside
— Jacque Manabat (@jacquemanabat) September 8, 2021