Mapapasana-all na lang talaga ang kahit sino sa trabaho nina Carlo Pamintuan, Sev Sarmenta, Gretchen Ho, at iba pang reporter na naatasan mag-cover ng Tokyo Olympics sa Japan.

At sa isa pang ‘sana all moment,’ napanood ng live nina Sev at Carlo at semifinal game sa pagitan ng Slovenia at France nitong Huwebes.

Sa kabila ng pagiging gwapo at matipuno, hindi naiwasan ni Carlo na ma-gwapuhan sa pinagmamalaki ng Slovenia at Dallas Mavericks na si Luka Doncic.

“Analysis: magaling si Luka sa live. Pogi rin,” saad sa tweet ni Carlo.

Gayunpaman, kulang ang effort ni Doncic at natalo ang Slovenia ng one point, 89-90, at lalaglag sa bronze medal game kung saan makakalaban nila ang Australia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *