Bago pa man lumaban kay Yordenis Ugas sa Linggo ay nakatikim na agad ng suntok si Manny Pacquiao – ngunit mula sa isang broadcaster.

Astig ang dating ng isang artwork kung saan si Connie Sison ang kaharap ni Pacquiao sa ring at isang matinding suntok ang napatama ng broadcaster sa mukha ng pambansang kamao.

“Before our Pambansang Kamao’s bout this Sunday with Yordenis Ugas… I got to do this to our 8-Division World Champ,” saad sa caption ni Connie.

Ayon sa reporter, pinagdadasal niya ang panalo ni Pacquiao.

Binuking din niya na ang kasamahang si Arnold Clavio ang nag-edit ng larawan.

View this post on Instagram

A post shared by Connie Sison (@connie_sison)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *