Hindi ma-gets ng mga netizen kung bakit nagpipigil ng tawa si Kuya Kim Atienza habang nakaere sa ‘TV Patrol’.
Sa gitna ng segment ng weather reporter, bigla na lamang itong napahagikhik at pautal-utal sa kanyang reporting.
Dahil dito’y napatanong ang mga netizen kung ano nga ba ang tinatawanan ni Kuya Kim?
In Theater it's called Corpsing or Breaking, the medical term naman is PBA or Pseudobulbar effect. #kuyakimtrivia https://t.co/qi5hzc1XTA
— kim atienza (@kuyakim_atienza) August 5, 2021
Sa Youtube video ni Gretchen Fullido, nalantad na kaya pala natatawa si Kuya Kim on air ay dahil sa challenge na dapat nitong masingit ang salitang tinapay sa kanyang spiel.