Muling nagbalik si Doris Bigornia matapos ang ilang buwan na pagkawala sa himpapawid.
Nitong Lunes ay sumalang na si Bigornia sa kanyang programang ‘SRO: Suhestyon, Reaksyon at Opinyon’ sa Teleradyo.
Isa sa mga bumati sa pagbabalik ni Bigornia ay ang kanyang kasamahan sa industriya na si Jeffrey Hernaez.
Mutya ng Masa @DorisBigornia is back!!! ❤️❤️❤️🙏🙏🙏 #SRO pic.twitter.com/vIyHtctBRI
— jeffrey hernaez 🇵🇭 (@jeffreyhernaez) April 5, 2021
Nagpasalamat naman ang anak ni Doris na si Nikki sa mga sumuporta sa nag-iisang ‘Mutya ng Masa’.
Napagod na po si mommy, pero masaya kami at nakabalik na siya 😊😊 salamat po muli, sa inyong lahat 🤗
— Nikki Bigornia 𓃠🎀 (@nikkibigornia) April 5, 2021
Matatandaan na pansamantalang nahinto si Doris sa kanyang trabaho matapos maoperahan dahil sa sakit sa puso.