Nirekumenda na ng Quezon City Prosecutor’s Office na kasuhan ang entertainment editor at writer ng tabloid na Bulgar dahil sa naging reklamo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Ang desisyon ng QC Prosecutor’s Office ay binahagi ni Atty. Joji Alonso sa isang Instagram post.
Nag-ugat ito sa naging artikulo ng tabloid na may title na: “After ng bantang pasabog ni Clint… NUDE PHOTOS NI CATRIONA KALAT NA!”
Nakita sa social media page ng Bulgar na may mga nakahubad na babae, at dinikit ito kay Catriona ng kanilang entertainment editor.
Pinakakasuhan ng libel sina entertainment editor Janice Navida at writer nitong si Melba Llanera.
Nirekumenda naman ang piyansa na P30,000 para sa kasong libel sa dalawa, habang may dagdag na P48,000 naman para kay Navida dahil sa reklamong cyber libel.