Nagdurugo ang puso ni ABS-CBN entertainment correspondent Gretchen Fullido sa pagpanaw ng pinakamamahal niyang alagang aso na si Sunny.
Sa kanyang Instagram post, inilahad ni Gretchen ang pagkalungkot sa biglaan pagpanaw ni Sunny na isa sa kanyang mahigit isang dosenang alaga.
Masakit man ang kanyang loob, panatag siya na malaman na nasa doggy heaven si Sunny kasama ang iba pa niyang yumaong alaga at malaya nang makakapaglaro.