Sa biglaang anunsyo nitong Setyembre 7 na mananatili ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ), isa sa mga nawindang si DJ Chacha.

Nito lamang kasing Setyembre 6 ay inanunsyo ng Palasyo na general community quarantine (GCQ) na ang iiral sa Metro Manila pagdating ng Miyerkoles.

Kaya ang hirit ng DJ, gumawa ng ‘GC’ o group chat ang mga ahensya ng pamahalaan para sila mismo ay ‘di magkalituhan.

“Iba iba pa rin hanashi niyo. Gumawa na kayo GC utang na loob. Mag-usap usap muna kayo bago chumika sa madlang pipol para hindi kami mahilo at malito sa quarantine status,” ani DJ Chacha sa kanyang tweet.

Hiling din niya, sana ay wala ng bawian ang pinakahuling anunsyo ng pamahalaan.

“Final answer na po ba yang MECQ until September 15? Sure na po? Wala na bawian? Baka paggising namin bukas may bago na naman quarantine restriction,” dagdag pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *