Tuloy-tuloy ang pagtulong ni ‘Igan’ Arnold Clavio sa mga lumalaban sa COVID-19 pandemic.

Sa kanyang tweet, binahagi niya ang kanilang naging munting feeding program para sa mga frontliner ng Manila Medical Center.

““Lugawan ni iGan”. Walang iwanan. Hindi pa rin kami tumitigil sa iGan Foundation para magbigay ng pangangailangan ng mga frontliner. Ang dinalaw naman namin ngayon ay ang mga frontliner ng @medicalcentermanila sa koordinasyon ni Dr. Steve Villaver,” ayon sa GMA broadcaster.

“Maraming salamat po sa Robina Farms para sa baboy at itlog, sa Kingcup Sardines, M2 Malunggay Juice at sa lahat sponsors ng Igan Foundation.”

https://www.instagram.com/p/CEOaX_vpfpC/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *