“Bawal lugaw? Ano sunod? Bawal pancit? Bawal bulalo?”.
‘Yan ang bulalas ni Inday Espina-Varona tungkol sa isang viral Facebook post kung saan makikitang hinarang ng isang barangay official sa Grab rider na may ide-deliver na lugaw sa San Jose del Monte, Bulacan.
Sa naturang post, isang babae ang sumita sa rider dahil sa bitbit nitong lugaw na ide-deliver sana sa isang customer.
Dahilan kasi ng barangay official, hindi raw essential product ang lugaw dahil kayang mabuhay ng tao kahit wala nito.
Dahil dito’y nanggigil ang beteranang mamamahayag at hindi matanggap kung papaanong hindi nakapalag ang rider sa maling pagpapatupad ng protocol ng barangay official at kapulisan.
“How is he supposed to exercise discretionary powers when that’s not how the system works?” tanon ni Espina-Varona.
Food is an essential service.
“Ang lugaw hindi essential!”
“May 24-hour pass po sila ma’am.” Was that a police…Posted by Inday Espina-Varona on Wednesday, March 31, 2021