Dinaan ni Jacque Manabat sa pag-kiss ang pagbibigay payo sa mga baguhan at nais maging journalist.
Sa isang TikTok video na ibinahagi niya sa kanyang IG account, sinabi ni Jacque na ang kanyang news writing tip no. 1 ay matatandaan sa salitang ‘KISS.’
Ito ay nangangahulugang Keep It Short and Simple.
Nag-reply naman ang kasamahan niya sa ABSCBN na si Nina Corpuz na may ibang ibig sabihin ng ‘KISS.’
‘Keep It Simple Stupid’ naman ang banat ni Nina.
Ginagamit ni Jacque ang TikTok hindi para ipakita ang dance moves kundi para magbigay ng makabuluhang kaalaman.