RP
Dapat ay ituon ng Philippine National Police ang kanilang atensyon sa mga kriminal at tunay na violator, hindi sa mga volunteer.
‘Yan ang pahayag ng ABS-CBN anchor na si Karen Davila dahil sa pag-aresto sa 10 volunteer na namimigay ng relief packs sa Marikina.
“The PNP should focus their efforts on real violators & criminals. Arresting 10 volunteers who were delivering food packs to the poor is just ridiculous,” ayon kay Karen.
“Imbes na makatulong, sila pa ang naging hadlang para matulungan ang mga gutom.”
The PNP should focus their efforts on real violators & criminals. Arresting 10 volunteers who were delivering food packs to the poor is just ridiculous. Imbes na makatulong, sila pa ang naging hadlang para matulungan ang mga gutom. https://t.co/KTbIsxAYiR
— Karen Davila (@iamkarendavila) May 2, 2020
Nitong Sabado ay napaulat na napalaya na ang sampung volunteer matapos iutos ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na pakawalan ang mga ito dahil wala naman silang ginawang labag sa batas.