Tumabo na sa mahigit 300,000 ang subscribers ni Kim Atienza sa YouTube.
Masaya itong ibinahagi ni Kuya Kim sa kanyang social media accounts
.
“Slowly but steadily glorifying the Lord one vlog at a time,” saad sa kanyang post.
“Happy 300k #KuyaKimAtienzaVlog youtube subscribers!”
Bida sa mga vlog ni Kuya Kim ang iba-iba niyang aktibidad gaya ng motorcycle rides at pagbabahagi ng Salita ng Diyos.
Noong nakaraang taon sinimulan ni Kuya Kim ang pagiging vlogger sa YouTube.