Tingin ni Raissa Robles, kaya hindi nagpa-panic ang mga government official sa kabila ng pagsirit ng COVID-19 case ay dahil madali lang silang ma-admit sa mga ospital.

Sa tweet ng investigative journalist, sinabi nito na mukhang may reservation ang mga ospital para sa mga politiko kaya kalmado lang ang mga ito sa kabila ng COVID-19 surge.

“I think high govt officials arent that worried about hospitals getting overwhelmed because there are always beds reserved for them,” wika ni Robles.

Dapat aniya ay papilahin din ang mga opisyal sa mga ospital para maintindihan din ang hirap ng mga normal na mamamayan.

“If hospitals remove that privilege from them and require everyone to queue, perhaps they will care more.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *