Paniguradong nakangiti sa langit ang yumaong GMA journalist na si Cesar Apolinario sa mga nakamit na achievement ng kanyang mga anak.

Sa tweet ni Kara David, binahagi nito na lahat ng mga anak ni Cesar ay nagsipag-graduate na may honor.

“Cesar Apolinario’s kids graduate with honors 🙂 Very proud of our Project Malasakit scholars Remus, Sofia and Athena Apolinario who all graduated with honors this year at Eastern Star Academy,” ayon kay David.

Si Cesar ay pumanaw noong 2019 dahil sa sakit na lymphoma. Nakilala siya sa larangan ng media bilang reporter at gumagawa rin ng mga documentary, kung saan pati pagdidirek ay pinasok din nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *