Humingi ng paumanhin ang AM radio station na DWIZ matapos maere ang pagdiriwang ni Atty. Larry Gadon nang malamang pumanaw na si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Sa Facebook post ng DWIZ, nag-sorry ang istasyon sa pamilya Aquino at sinabing kanila nang inaksyunan ang naturang pagkakamali.

“The Management of DWIZ would like to apologize to everyone and in particular, to the Aquino Family about the inappropriate statements made by our guest host in the show Karambola about the sudden death of our former President Benigno Simeon Aquino III,” ayon sa DWIZ.

“The Management has taken action about this uncalled for comments and will not tolerate this kind of incident.”

Sa ‘Karambola’ program ng DWIZ, tila natuwa si Gadon nang mabalitaang sumakabilang-buhay na ang dating Pangulo.


Hindi pa ito nakuntento at nagpakalat pa ng unverified information na may HIV umano si Noynoy, na base umano sa kuwento lang ng kanyang kaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *