Kumasa sa debate si dating Supreme Court Justice Antonio Carpio matapos siyang hamunin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit matapos pumayag ni Carpio, biglang umatras ang Pangulo at ang si Harry Roque, presidential spokesperson, ang kanyang pinaharap.

Ayon kay Roque, ilang miyembro ng gabinete ang nagpayo kay Duterte na huwag daw makipagdebate kay Carpio dahil wala daw itong maidudulot na maganda.

Ilan sa mga mamamahayag ang kumuwestiyon sa pag-urong ni Duterte sa debate tungkol sa mga pinag-aagawang teritoryo ng China at Pilipinas.

Isa sa mga nagpatama ay si ABS-CBN journalist Tony Velasquez.


May nabuo ring banat si Politiko host Michael Fajatin sa atrasadong debate ni Duterte.


Dinaan naman sa GIF ni Jeff Canoy ang kanyang reaksyon sa pahayag ni Roque na handa siyang makipagdebate kay Carpio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *