Mainit ang pangalan ni Raffy Tulfo para sa 2022 elections, kung saan sinabi ni social media strategist Franco Mabanta na tatakbo ang brodkaster bilang senador.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Mabanta na nagkausap na raw si Tulfo at Senador Manny Pacquiao para sumali sa senatorial slate ng ‘Pambansang Kamao’.
Ayon kay Mabanta, nagtungo si PacMan sa bahay ni Tulfo kung saan umano nagkasundo ang dalawa sa alyansa sa eleksyon.
Samantala, kasama pa rin sa plano ni Pacquiao ang tumakbo bilang Pangulo, at patuloy ito sa paghahanap ng VP.
Lahad ng strategist, ilan sa mga tinitingnan na pangalan ay si Manila Mayor Isko Moreno at Senadora Grace Poe.
Tingin ni Mabanta, hindi papayag si Moreno na maging bise presidente, at ayon sa kanya ay si Poe ang best option para kay Pacquiao.